MAY BAGSAK AKONG MAJOR SUB PLES TOLONG
(di ko alam kung tamang flair ba to)
First year college, ok naman sa lahat ng subjects BUT ONE MAJOR (di naman siya prerequisite), at inaamin ko na hindi ako naging responsableng estudyante kaya deserve ko ang bagsak kahit na success ang late/pahabol reqs ko pero naiintindihan ko naman ang prof kasi siya na mismo nagsabi na nasaraduhan na siya sa encoding. (Late na rin niya sinipat chat ko so akala ko na hindi na niya tinatanggap, naabutan ng pagsara) Kaya at this point, tanggap ko nalang ang bagsak ko lalo pa't until 21 nalang ang enrollment. Ang problema nalang kasi di ko alam ang proseso. Puwede niyo ba ako ienlighten ano ang mga hakbang na susundin ko para i-retake ang failed subject? Kung magiging irreg ako anong mga ieexpect? Kung di na ako mabibigyan ng second chance ok lang naman mabilis naman ako mag-accept pero atleast nagawa ko na man lang makakaya ko para bumawi so pleaseplaseplase. 🥹 May pangarap pa ako kahit papaano so please no harsh judgement sa comsec kasi nangyari na ang nangyari eh (di ko na uulitin). Maraming salamat sa tutugon!!