mga manggagawang kawawa sa pinas

Naalala ko lang yung hostage issue na nangyari sa Greenhills noong 2020, na meron isang security guard ang gumawa ng isang krimen para lang mapakinggan ang kanyang boses tungkol sa kondisyon ng kanilang trabaho.

Ngayon naman meron tayo isang lalake ang nang-hostage sa Recto para lang makuha ang sahod na utang sa kanya ng kanyang boss.

Isa lamang 'tong patunay na mula noon hanggang ngayon ay walang pagbabago sa buhay ng isang normal na manggagawa. Madali sabihin ng mga tao na "mali" ang ginawa niya at pwede naman maging mabait, kausapin, o lumapit sa DOLE. Pero ang mga opinyon na yan ay nakabase sa buhay ng may pribilehiyo, at bakit kailangan maging mabait kung utang ng employer yun sa kanyang trabahador, bakit kailangan lumuhod at makiusap?

Mali ang krimen, totoo yan, pero maganda isipin natin kung bakit karamihan ng krimen at nahuhuli ay mahihirap at mga normal na manggagawa, ang ganitong gawi ay hindi base sa ideya ng kagustuhan but sa desperasyon mabuhay.